A good friend of mine once told me that I have attention issues. it may be a joke or not, still it gave me a slight ouch to my feelings. Yes, it hurts. And i must admit, I have this kind of chronic disease that’s why it’s painful for me to receive such kind of comment.
Okay, before anything else, I want to assure that I’m not mad at my friend. Actually, I’m thankful because of his joke, it made me realize a lot of things. Thanks E!
***okay ba’t ba ako nag-eenglish. nahihirapan na ako. nauubusan na ako ng english. shet. dang.haha. ayaw ko na trying hard na eh. lol***
Sabi nila pag ang bata eh pasaway at papansin sa school, siya yung klase ng anak na KSP. Kulang Sa Pansin. Kulang sa pansin ng magulang, kapatid at ng lahat ng tao sa tahanan na kanyang tinitirhan. Dahil nga hindi masyadong nabibigyan ng atensyon sa kanilang tahanan, nagkakaroon ng tendency na sa eskwelahan umeksena ang mga batang ganito. Okay. Proven and tested na iyan (pero syempre may iba rin na hindi nag-aapply ang ganitong sitwasyon sa ibang bata. iba iba pa rin talaga pero madalas maraming ganyan.)
Kung babalikan ko yung panahon na naging estudyante ako, ako yung tipo na tahimik. Mahiyain. Naalala ko pa nga noon, nung grade four ata ako. madalas akong i-bully ng classmates ko. iyakin ako nun. kaya tahimik lang ako sa isang sulok. tapos nung high school, inaapi ako ng mga kaklase ko. pero hinahayaan ko lang kasi ang pananaw ko noon, may mga batang mayabang at bully talaga at wala na akong magagawa don. Pero di naman ako sobrang mahiyain, active rin naman ako pagdating sa recitation (pag kampante ako sa sasagutin ko, lalo na pag graded. lol)
Wala akong paki noon kung di ako mapansin ng mga tao kasi pag-uwi ko naman sa bahay, kasama ko naman si mama tapos tuturuan pa niya ako sa mga assignments ko. Tapos pag-uwi ni papa galing trabaho, may bonding pa kami nun kahit sa panonood lang ng tv. tapos pag nakatulog ako sa sala, kakargahin niya ako papunta sa kwarto naming magkakapatid. Tapos every weekend lumalabas kaming buong pamilya. Yung atensyon nila mama at papa noon sa aming magkakapatid, maayos. Masaya kaming pamilya. Noon.
Siguro nung mga bandang late high school(or college na ata) biglang nagbago na ang lahat. Yung atensyon na binibigay noon ng mga magulang namin, nawala na. siguro, dala na rin ng kabusy-han naming tatlo. Nagkaroon tuloy ng gap na ewan, parang pinagsisisihan ko kasi ngayon di ko na makuha yung loob nila mama at papa. Yung feeling na pinapansin na lang ako ni mama pag may napupuna siya sa akin na pagkakamali. Si papa naman ayun, busy sa trabaho. gabi na nakakauwi.
Sa mga kapatid ko naman, ayun di nga talaga kami close di tulad noong mga bata pa kami. I think nabanggit ko na ito noon.
Yung fact na wala silang pake-alam sa personal kong buhay, yun ang medyo nakakalungkot. Tapos pag inaaway na nila ako, ako pa ang mali. Palibhasa di kasi nila naiintindihan yung nararamdaman ko eh. wala naman silang paki at the first place. so, tahimik na lang ako. Ang hirap mag-explain talaga sa mga taong di naman alam yung dahilan sa likod ng mga issue at problema. Hay layp.
?Pasalamat pa nga ako at may mga kaibigan ako na umiintindi sa akin, paminsan. Sila na yung pangalawa kong pamilya. Sa kanila na ako nakakapag-open ng problema ko. ng rants ko. ng angst ko sa buhay. Pero syempre di naman sila parating andiyan para sa akin dahil una: may iba sari-sarili din silang pinoproblema. pangalawa, may iba rin silang friends. Pangatlo, ilan sa kanila ay may family issues rin na kelangang unahin. Pang-apat, ilan sa kanila ay may jowa na. Pang-lima: marami pang iba.
Attention issues. OO, meron ako niyan. andami nga eh. pero di ko pa naman yan isinusumbat sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Dito ko lang inilalabas sa blog ko, tapos after kong ipost, magiging okay na ulit ako. marerealize ko na kaya ko naman palang dalhin ang sarili ko at di dapat ako dumepende sa ibang tao. Kaso, pag nalungkot na naman ako tapos makakaramdam na naman ako na parang me kulang nakelangan ko ng makakausap tapos wala akong mahanap, ayan na naman papasok na naman yung lecheng attention issues na yan. HAHAHA
Bat ba ganito ako? siguro kasi masyado akong naglalaan ng atensyon sa ibang tao, kaya tuloy nalilimutan ko na yung sarili ko. Alam ko naman yun eh. nalilimutan ko lang kung paminsan. hahahaha.O kaya naman dahil sa sobrang clingy ko sa mga friends ko gusto ko pati sila clingy na rin sa akin. which is very very very wrong. Di nga dapat ako umasa sa kanila parati diba? Ewan ko ba. ang labo ko talaga. kausap ko na naman sarili ko. okay. lol
Maraming plano ang nabubuo sa isipan ko ngayon.
Una, gusto ko na talaga mag-laan ng panahon kasama nila mama at papa. Sana, kung papalarin ng Maykapal, nawa makapag-out of town kaming tatlo o kaya ma-itreat ko na sila kahit saan nila gusto (ay wag pala kahit saan, baka magrequest yun ng trip to HK. di ko pa afford.) Kasi naman eh nag-aaya na ako noon pa. sila lang may ayaw. hehe. Diba? mukhang masaya? habang single pa ako no. baka biglang mag-asawa na ako tapos di ko pa nakakabonding ng wagas yung magulang ko. seloso pa naman si papa. HAHA
Pangalawa, babawasan ko na yung pagiging clingy sa mga kaibigan ko. Pero, di ko rin naman irerestrict ang sarili ko in times na mag-aya sila ng lakad or something. basta steady lang. kung gusto nila ako makasama, edi masaya. kung gusto nila ako hingihan ng kwento, go lang. basta wag lang nila ako i-ho-hotseat kung sino na ang labs ko. secret lang yon. de joke. wala kasi ako non. kras kras lang :”>. Kung kelangan nila ng kausap, basta available ako, handa naman akong pakinggan sila. Tapos kung ako naman ang may kelangan ng kausap, tapos wala akong mahanap aba sana naman wag na ako mag-inarte ano. Sana tumatak sa isip ko na di sa lahat ng oras, makakasama at makakausap ko sila. Deal with it yeye. (magboypren ka na kasi)
Pangatlo, dahil nga sa hindi sa lahat ng oras eh available ang friends ko, imemaintain ko na lang itong blog ko tapos ito na lang ang kakausapin ko sa oras na walang wala na talaga. Just like the old times. Just like now.
P.S. kelangan ko na rin ituloy ang pagsusulat sa diary ko. lanjo kasi eh bigla akong tinamad. mga august na ata last post ko don. lol
hay. di naman talaga ako attention whore eh. okay lang naman sakin na di nila ako pansinin kaso baka masanay ako eh. Baka maging anti-social na ako paglaki ko. LOLWAT